Miyerkules, Setyembre 28, 2016

Kahalagahan ng Wikang


           
                   Ang ating wika ay isa sa pinakamahalaga sa ating bansa sapagkat ito ay ginagamit natin sa pakikipag komunikasyon sa mga taong nakakasalamuha natin. Dito rin natin naipapahayag ang ating mga saloobin sa pag sasalita patungo sa ating kausap, kung nagagalit ba tayo o ano man na ating nararamdaman . Ang wika ay nag babago sa panahon ngayon, may mga umuusbong na, na iba't ibang wika sa ating bansa meron ng jejemon, gay lingo, mga salitang kalye, at iba pa. Dahil sa mga makabagong pananalita na ito kaya hindi na masyadong nagagamit ang ating sariling wika, sabi nga ni Jose P. Rizal "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Sa wikang ginagamit ngayon na 
Filipino, ito ay nakakatulong sa atin upang makihalubilo sa mga taong bago lang natin nakilala, sa ating bagong trabaho at sa iba pa, nakakatulong din ito upang magkaroon ng kapayapaan sa  buong bansa.